Powiedz znajomym o tym przedmiocie:
Gusto Kong Sumulat Ng Libro!
Roy Dela Cruz
Gusto Kong Sumulat Ng Libro!
Roy Dela Cruz
Nangangarap ka bang maging isang manunulat? Gusto mo bang makapag-lathala ng sarili mong libro? May magagandang mensahe ka bang gustong iparating sa mga tao? O kaya nama'y mga magagandang ala-alang gustong ibahagi sa ibang tao?Kung ganoon, mali ang librong hawak mo ngayon!Biro lang. Katulad mo, ako rin ay nangarap na makapag-sulat ng isang libro. Gusto kong maiparating sa maraming tao ang mensahe ng lahat ng aking isinusulat. Gusto kong makilala, at maalala ng marami bilang isang makata at manunulat. Pero hindi sapat ang puro pangarap lamang. Kailangan kumilos at may gawin para mapalapit, hanggang sa matupad ang pangarap. Sa madaling salita, kung nangangarap kang makapag-sulat ng libro ay kailangan kang magsulat. Simple lang, di ba?Sana nga ganoon lang kadali. E di ang dami na sanang nakapag-sulat ng libro! Pero hindi e. Mula sa kung ano ang isusulat, saan magsisimula, at saan makakahanap ng ideya ng isusulat, lahat iyan kaka-harapin mo. Hanggang sa tamarin ka na, at mawalan ka na ng gana. Pero sayang naman ang pangarap mo! Huwag ganoon. Dito sa aking aklat na "Gusto Kong Sumulat Ng Libro!" ay aking ibabahagi ang lahat ng aking mga ideya, karanasan, at mga napapansin sa paligid na makakatulong para makabuo ng isang kwento na maaring isulat sa isang libro. Maaaring hindi lahat ay angkop sa iyo, o naaayon sa iyong panlasa. Pero maaari pa rin kapulutan ng mga ideya. Maari ring gamitin para maging gabay, sa iyong pagsusulat. Kung sakali mang wala kang mapulot para makatulong sa pagsusulat, sigurado namang may mapupulot ka ring mga jokes na magagamit mo sa pagpapatawa sa mga kaibigan mo! E di, sikat ka pa rin!Seryosong usapan. Hindi madali ang magsulat. Hindi madali ang maghabi ng mga kwento o paksa na magkaka-ayon para makabuo ng isang kwento. Kaya ngayon pa lang, binabati na kita sa iyong pangarap. Katulad rin ng karanasan ko, marami ang matatawa at hindi maniniwala sa pangarap mo. Marami ang magsasabi na hindi matutupad ito. Okay lang iyon. Basta ang siguraduhin mo lang, hindi ka kasama sa mga taong iyon. Higit sa lahat, ikaw ang unang kailangan maniwala sa iyong pangarap. Alagaan mo ang iyong pangarap, pagsikapan at palabungin ang iyong kakayahan. Huwag kang titigil hanggang sa maabot at matupad mo ang iyong pangarap. Kahit sino pwedeng magsulat. Kahit sino pwedeng mangarap. Pero hindi lahat nagpapatuloy sa pagtupad ng kanilang mga pangarap. Hindi ka dapat mapabilang dun. Yakapin mo ang iyong pangarap, at sabihin mo ng buong lakas.... GUSTO KONG SUMULAT NG LIBRO!Mabuhay ka!May akdaRoy Dela Cruz
Media | Książki Paperback Book (Książka z miękką okładką i klejonym grzbietem) |
Wydane | 17 maja 2020 |
ISBN13 | 9798646499715 |
Wydawcy | Independently Published |
Strony | 122 |
Wymiary | 127 × 203 × 7 mm · 140 g |
Język | Spanish |